Manhunt operations ng militar sa tatlo pang natitirang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Bohol, nagpapatuloy

Manila, Philippines – Patuloy ang manhunt operations ng militar laban sa tatlong natitirang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Bohol.

Kinilala ang mga ito na sina alyas ‘Asis’, alyas ‘Ubayda’, at Kaifar Sawadjaan alyas ‘Abu Omarang.’

Ayon kay Clarin Mayor Allen Piezas – base sa sumbong isang residente, isa sa tatlong bandido ay namataan umano sa barangay Buenos Aires sa Tubigon.


Noong nakaraang Sabado, apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group kabilang ang sub-leader na si Joselito Melloria ang nasawi matapos maka-engkwentro ang tropa ng militar.

Unti-unti naman nang bumabalik sa normal sitwasyon bayan ng Clarin kung saan kakaunti na lamang na mga residente ang mas piniling manatili sa evacuation center tuwing gabi.

Facebook Comments