Manila Bay, ipinadedeklarang reclamation free zone

Manila, Philippines – Ipinababasura ng MAKABAYAN Bloc ang mga planong reclamation projects na nakabinbin sa Philippine Reclamation Authority.

Sa House Bill 9067, ipinadedeklara ng Makabayan Bloc sa Kamara na reclamation free zone ang Manila Bay.

Ipinawawalang bisa rin ang mga ipinalabas na Environmental Clearance Certificates (ECC) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang reclamation permits.


Sa ilalim pa ng panukala, ang mga lalabag ay maparurusahan ng pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na taon hanggang 12 taon at pagmumulta ng mula P5 milyon hanggang P15 milyon.

Ang mga opisyal ng gobyerno na lalabag ay maaari ring masibak sa serbisyo at madiskuwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Facebook Comments