Manila City LGU, nirerespeto ang karapatan ng mga residente na mamili ng bakuna kontra COVID-19

Inihayag ni Manila City Mayor Isko Moreno na may karapatan ang bawat residente ng lungsod na mamili ng nais nilang bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Moreno, nirerespeto niya at ng lokal na pamahalaan ang desisyon ng bawat Manileño kung anong gusto nilang brand ng COVID-19 vaccine ang nais na ibakuna sa kanila.

Giit pa ng alkalde, karapatan ng bawat residente na maging “choosy” kung sa tingin nila na may mas epektibo pang bakuna kontra COVID-19 kumpara sa bibilhin ng lokal na pamahalaan.


Muli rin sinabi ni Mayor Isko na mauuna siya kasama ang opisyal ng Manila LGU na magpabakuna para maipakita na seryoso sila sa pagpapatupad ng COVID-19 Vaccination Program sa lungsod.

Paraan rin daw ito para maging mapanatag ang kalooban ng bawat Manileño kapag nakita na nilang itinurok na sa mga opisyal ng lokal ng pamahalaan ang bakuna.

Facebook Comments