Manila District Traffic Enforcement Unit, may mga paalala sa publiko

Manila, Philippines – Maagang pinayuhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang mga taong bibisita sa kanilang namayapang mahal sa buhay sa iba’t-ibang sementeryo na planuhin na ang kanilang ruta upang makaiwas sa abala dulot ng mga isasarang kalsada at rerouting schemes.
Sa kanilang oplan kaluluwa 2017 traffic advisory, inilabas ng MDTEU ang listahan ng road closures at traffic rerouting schemes sa paligid ng Manila North Cemetery, La Loma Cemetery, at Chinese Cemetery.
Dagdag pa ng MDTEU, pagsapit ng alas 12:00 ng hating gabi sa sa October 31, ay isasara ang gates sa lahat ng sementeryo para sa mga private vehicles.
Sarado naman ang ilang daan sa Manila North Cemetery mula 12:00 a.m. sa November 1 hanggang 5:00 a.m. ng November 2.

Facebook Comments