
Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na magsasagawa sila ng Intramuros-wide Earthquake Drill.
Ito’y sa darating na January 30, 2026, alas-10:00 ng umaga na pangungunahan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO).
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kahandaan at tamang pagtugon ng komunidad sa oras ng lindol at iba pang sakuna.
Ilan sa mga lalahok ang nasabing pagsasanay ay ang lahat ng mga residente, establisyimento, paaralan, at mga pampubliko at pribadong ahensiya na matatagpuan sa loob ng makasaysayang pader ng Intramuros.
Sa pamamagitan ng sabayang pagsasanay, inaasahang mas mapapalalim ang kaalaman ng bawat isa hinggil sa tamang mga hakbang bago, habang, at pagkatapos ng lindol.
Gayundin ang kahalagahan ng koordinasyon at disiplina sa oras ng sakuna.
Nabatid na base sa pag-aaral, posibleng lubos na maapektuhan ang Intramuros sakaling tumama ang ‘the big one’ kahit pa hindi ito nakalinya sa west valley fault.










