May lead nang sinusundan ang Manila Local Government Unit (LGU) sa sinasabing pag-hack sa registration system ng Maynila para sa schedule ng pagbabakuna kontra COVID-19.
Ang pag-hack sa sistema ang sinasabing dahilan kaya’t dumagsa ang mga nais magpabakuna sa apat na malls sa lungsod.
Ayon sa Manila PIO, sinadyang i-overload ang kanilang listahan ng mga magpapabakuna gamit ang magkakaibang IP address.
Nag-alok na rin ang Manila City government ng libreng swab test sa lahat ng mga dumagsa sa vaccination centers kahapon.
Kasunod na rin ito ng pangamba ng DOH na maging super spreader ang nangyaring pagdagsa ng mga tao sa 4 na malls sa Maynila
Facebook Comments