Manila LGU, nag-anunsiyo ng panibagong oras ng pagsasara ng kalsada sa darating na bar exam

Naglabas ng panibagong abiso ang lokal na pamahalaan ng Maynila hinggil sa mga isasarang kalsada sa gaganaping 2022 Bar Examinations.

Ito’y sa darating na November 9, 13, 16, at 20 kung saan paiiralin rin ang liquor ban sa mga nabanggit na petsa.

 

Sa abiso ng Manila LGU, mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-11:09 ng gabi ay sarado ang mga kalsada malapit sa San Beda University partikular sa Mendiola Street,1st, 2nd, 3rd at 4th Street gayundin sa Concepcion Aguila Street pero papayagan ang mga sasakyan ng mga residente na makapasok dito.


 

Habang sarado rin ang mga kalsada malapit sa De La Salle University lalo na sa Taft Avenue Northbound at Southbound.

Sa mga nabanggit na araw, asahan ang masikip na daloy na trapiko kaya’t maiging planuhin ang mga lakad at alamin ang mga alternatibong mga daanan.

Bukod sa liquor ban, ipagbabawal rin ang mga ambulant vendors habang magpapatupad ng noise control sa loob ng 500-meter radius ng San Beda University at De La Salle University.

Facebook Comments