Manila Mayor Honey Lacuna, pinirmahan na ang isa sa kaniyang mga unang Executive Order

173

Inihayag ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na pinirmahan na niya at handa na rin ipatupad ang isa sa kaniyang unang Executive Order (EO).

Ayon kay Mayor Honey, nais niyang agad na ipatupad ang Executive Order No. 6 na nagsasaad ng mandato na panatilihing malinis ang loob at labas ng Manila City Hall.

Sa ilalim din ng nasabing kautusan, hinihimok ang mga opisyal at empleyado ng lahat ng departamento at tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na makibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan.


Umaasa ang alkalde sa mga department head na maipapaliwanag nang malinaw at maayos ang EO No. 6 sa kani-kanilang mga tauhan upang maging maayos ang lahat.

Sinabi pa ni Mayor Honey na itinalaga niya ang araw ng Biyernes bilang “clean update” kung saan dito ire-report ng department heads ng bawat tanggapan ang kanilang mga nagawang hakbang na may kaugnayan sa nasabing kautusan.

Facebook Comments