Manila Mayor Isko Moreno, hindi titigil hangga’t hindi nareresolba ang nangyaring bank robbery

Muling iginiit ni Manila City Mayor Isko Moreno na hindi nila titigilan ang kaso hinggil sa nangyaring pagnanakaw sa isang sangay ng Metrobank sa Binondo.

 

Bagong ordinansa para mapigilan ang ganitong insidente, isusulong ng lokal na pamahalaan.

 

Sa press conference ni Mayor Isko at Manila Police District Chief Brig. Gen. Vicente Danao, hindi nila inaalis ang anggulong inside job ang nangyari lalo na’t walang ginawa ang mga guwardiyang naka-duty at ilang oras pa ang lumipas bago pinapasok ang mga otoridad.


 

Binalaan ni Moreno ang mga suspek na sumuko na habang maaga pa dahil kung hindi ay sisiguraduhin niya na mahuhuli sila at mananagot sila sa batas.

 

Sinabi naman ni Danao na lahat ng empleyado ng bangko ay maaaring maging person of interest pero handa naman daw ang bawat isa na makipag-ugnayan sa kanila.

 

Hindi pa rin naman matukoy ng pulisya kung magkanong halaga ng pera ang natangay ng mga suspek at patuloy din nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga ito.

 

Dahil dito, magpapasa ng bagong ordinansa nag pamahalaang lungsod na nagbabawal sa isang indibidwal na pumasok sa bangko, pawnshop at ilang financial institution na nakasuot ng salamin, helmet, bullcap at iba pang bagay na matatakpan ang mukha.

 

Habang ang mga taong naka-facemask naman ay dapat na ipakita ang ebidensiya kung mayroon silang sakit.

Facebook Comments