Manila Mayor Isko Moreno, nagpasalamat matapos mapasama sa listahan ng i-eendorso ng Pangulo pero wala pa sa plano ang pagtakbo sa susunod na halalan

Inihayag ngayon ni Manila Mayor Isko Moreno na wala pa sa plano niya ang tumakbo sa mataas na posisyon sa gobyerno.

Ito’y matapos na isa siya sa pinagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-endorso sa susunod na halalan.

Ayon kay Moreno, nakatutok muna siya sa kasalukuyan sitwasyon ng COVID-19 pandemic partikular sa lungsod ng Maynila.


Aniya, nagpapasalamat siya dahil sa napasama siya sa listahan na nais i-endorso ni Pangulong Duterte pero sa ngayon ay magfo-focus muna siya sa kaniyang trabaho bilang alkalde.

Sakali naman dumating ang pagkakataon, ayaw ni Moreno na makasama sa isang partido mapa-oposisyon man o administrasyon kung saan ang kanyang paniniwala ang gusto niyang sundin.

Hindi rin tatanggapin ni Moreno ang anumang endorsement ng isang grupo at wala rin siyang balak na maging taga-salo ng anumang hangad o nais ng isang indibidwal.

Facebook Comments