Manila Mayor Isko, nanawagan sa mga militanteng grupo na ihinto ang ginagawang bandalismo

337

Nanawagan si Manila Mayor Iskor Moreno sa mga militanteng grupo na huwag nang magsagawa ng bandalismo.

Mismong ang Alkalde ang sumubok na tanggalin ang mga bandalismo sa paligid ng Bonifacio Shrine.


Ayon kay Yorme, ipinakita lamang niya kung gaano kahirap burahin ang spray paint graffiti gamit ang thinner.

Giit din ni Moreno na pera ng taumbayan ang ginagamit sa paglilinis na dapat sana ay napupunta sa serbisyo publiko gaya ng pabahay at libreng gamot.

Matatandaang pinutakte ng batikos ang Grupong Panday Sining dahil sa ginawang bandalismo sa Lagusnilad Underpass kamakailan.

Facebook Comments

From Advertisers