Kinumpirma ng pamunuan ng Manila Memorial Park sa Parañaque na umaabot na sa mahigit 50,000 mga bisita ang pumasok sa nasabing sementeryo.
Ayon kay Engr. Rizzalyn Acosta, assistant manager ng Manila Memorial Park, pinakamaraming bisita na dumagsa ay nitong Linggo na umabot sa mahigit 40,000.
Kahapon aniya, araw ng Lunes ay nakapagtala rin sila ng mahigit 8,000 mga bisita.
Kinumpirma naman ni Acosta na walang miyembro ng pamilya Aquino ang dumalaw sa puntod nina dating Pangulong Cory Aquino, dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Noynoy Aquino.
Wala rin aniyang abiso pa sa ngayon kung kailan dadalaw sa Manila Memorial Park ang mga Aquino.
Tiniyak naman ni Acosta na nakikipagtulungan sila sa Parañaque LGU para sa seguridad sa loob at sa labas ng sementeryo.