Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang pakikiisa ng Austrian Bishops Conference (ABC) sa panawagang itigil na ang human rights abuses at mga patayan sa administrasyong Duterte.
Ayon sa sulat ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, presidente ng CBCP, aminado itong nahihirapan ang simbahan na ibahagi ang mga aral ng diyos sa gitna ng ‘culture of death’ na unti-unting kumakalat sa bansa.
Hiniling din ng CBCP sa ABC na ipagdasal ito sa gitna ng pamamayagpag ng ‘terror’ o takot sa Pilipinas.
Matatandaang inanunsyo ng Austrian Bishops ang pagkondena nito paglabag sa karapatang pantao at panunumbalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Ang ABC ang kauna-unahang banyagang Catholic bishops na kumondena sa mga kaganapan sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.