Manila Police District, bumuo ng task force na tututok sa kaso ng pananambang sa isang negosyanteng Hapon sa Ermita, Maynila

Manila, Philippines – Bumuo na ng task force ang Manila Police District na tututok sa kaso ng pananambang sa isang negosyanteng Hapon sa Ermita, Maynila.

Lumalabas na planado ang pananambang sa biktimang si Seiki Mizuno na kararating lamang ng bansa.

Ayon kay John Desbarro, president ng Oakwave Philippines Corporation – pinagbabaril ng riding-in-tandem ang sinasakyang van ni Mizuno kung saan may kasama pa siyang dalawang hapon at dalawang Pinoy.


Sinabi naman ng driver ng van na si Roland Singsing – hindi niya napansin na may sumusunod na sa kanya na riding-in-tandem.

Ayon naman kay MPD Director, Chief Supt. Joel Coronel – itinuturing na persons-of-interest ang mga kasama ni Mizuno sa restaurant, sasakyan at pati ang mga pumunta sa mga hotel.

Inaalam na rin kung may kinalaman sa negosyo ang krimen at ang anggulong mistaken identity.
Nation

Facebook Comments