Nakikipag-ugnayan na si Manila Police District Director Gen. Leo Franciso sa barangay officials sa Maynila para matiyak na masusunod ang mga aktibidad na ipinagbabawal sa pagsalubong sa Chinese New Year.
Partikular dito ang paiiraling liquor ban sa Februay 11 at 12.
Inanunsyo rin kahapon ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno ang pagkansela sa traditional na parada, dragon at lion dances, gayundin ang pagpapaputok o pagpapailaw ng firecrackers sa mga kalsada sa Chinatown sa Binondo, Maynila.
Iniiwasan kasi na magkaroon ng malaking crowd sa mga kalsada na maaaring maging dahilan ng pagkakahawa-hawa ng COVID-19.
Inatasan din ang barangay officials na masusing ipakalat ang anunsyo ng Manila City Local Government Unit (LGU) hinggil sa pagbabawal ng mga aktibidad sa lungsod sa Chinese New Year.