Manila Water, dumipensa sa batikos ng UFCC kaugnay ng paglilinis ng Manila Bay

Manila, Philippines – Nilinaw ng Manila Water na ginawa nila ang kanilang obligasyon sa paglalagay ng Sewerage Treament Plant sa mga water waste sa buong Mega Manila.

Ayon kay Manila Water COO Geodino Carpio, 38 Sewerage Treament Plant na ang kanilang napapatayo, na ginastusan na ng bilyon bilyong piso.

Ito ay mula nang pasukin nila ang kontrata bilang water concessionaire.


Pero aminado si Carpio na hindi pa sapat ito sapat kaya kasado ang kahalintulad na proyekto na pinondohan ng isangdaang bilyong piso.

Ginawa ni Carpio ang reaksyon bilang tugon sa paratang ng United Filipino Cunsumers and Commuters, na dapat panagutin ang dalawang water consesioner dahil hindi umano nila nagampanan na magtayo ng stp at sanitation simula pa noong 2002.

Paliwanag naman ni Carpio na 60 percent ng itinatapon sa manila bay ay nanggagaling sa household waste habang 40 nh dumi ay nanggagaling sa hindi na nila sakop.

Ipinagmalaki rin ni Carpio na dahil sa programa nila natokatoka, 70 percent ng kanilang mga consumer sa Metro Manila ay nagpapahigop ng dumi sa kanilang septik tank tuwing ika limang taon.

habang tuloy tuloy naman ang kanilang information drive para maging imulat rin ang natitira pang 30 percent na may ganitong proyekto.

Facebook Comments