Manindigan para sa soberenya ng bansa, hamon ni Robredo ngayong Araw ng mga Bayani

Nagpaabot din ng mensahe si Vice President Leni Robredo kaugnay ng paggunita ng Araw ng mga Bayani.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng bise presidente na magsilbing paalala sa sambayanan ang araw na ito para manindigan.

Aniya, sa panahon kung kailan maraming banta sa demokrasya at soberenya, patuloy na manindigan bawat isa   para sa mga kalayaan at mga karapatang ipinaglaban ng mga nauna na sa atin.


Panahon aniya upang tayo naman ang magpatuloy nito.

Ani Robredo, magiging totoo at makabuluhan lang ang pag-unlad at kalayaan kung magpapaka-bayani ang bawat isa.

Bawat isa ay may kakayahang makagawa ng makabuluhang pagbabago sa bayan at sa buhay ng ating kapwa tao.

Facebook Comments