Manlalarong nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 25

Sa kabila ng nalalapit na pagbabalik-laro ng National Basketball Association (NBA) na itinakda sa July 30, pumalo na sa 25 ang bilang ng mga manlalaro na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa ulat, nagsimula ito nang nagsagawa ng malawakang testing sa aabot sa 351 manlalaro ang NBA.

Umabot naman sa 10 team staff members ng NBA ang nagpositibo din sa virus.


Mula ito sa 884 team staff members na sinuri mula June 23 hanggang 29.

Agad namang inilagay sa quarantine ang mga nagpositibong players at staff para hindi na makapanghawa sa iba.

Ipinatigil ang laro ng NBA na nakatakda sana nitong marso dahil sa COVID-19.

Facebook Comments