Palugit na ibibigay ng Meralco sa mga customers nito para makapagbayad ng bills, pinalawig pa hanggang September 30

187

Pinalawig pa ng Meralco ang pagbibigay palugit sa kanilang customer na makabayad ng bill at makaiwas sa disconnection.

Ito ang kinumpirma ni Meralco President and CEO Ray Espinosa kasunod ng suhestiyon ng House Committee on Energy dahil sa pagtaas ng babayaran sa kuryente ng publiko, simula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Ayon kay Espinosa, i-uusog hanggang sa September 30 ang pagbabayad ng bill para matulungan ang publiko na nawalan ng trabaho dahil sa Quarantine.

Kung kinakailangan ay magdagdag din sila ng tao para mas maging episyente ang kanilang serbisyo at matugunan ang mga reklamo.

Facebook Comments