Hindi sumasang-ayon ang Malacañang sa pagpapakahulugan ng Urban Dictionary sa salitang “duterte” na “fake, scam, corrupt, traitor” at iba pa.
BASAHIN: ‘Manloloko, traydor’: ‘Duterte’, nasa Urban Dictionary na
Para kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, salungat ang naturang kahulugan sa katangian ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Well if that dictionary definition refers to the President, then we have our own definition of the man which is exactly the opposite of what that dictionary means,” ani Panelo sa press briefing, Martes.
“‘Duterte’ to us means honest, incorruptible, politically-willed person, courageous, selfless, honest, transparent and all good things…and other synonymous terms,” dagdag niya.
Kamakailangan lang nang ilabas ng Urban Dictionary ang kahulugan ng “duterte” matapos itong isumite ng isang netizen, nakaraang buwan.
Hinala ni Panelo, isang “anti-Duterte” ang nasa likod ng salitang ito.
“At this stage, we’re only speculating kasi meron nga akong nakitang wine Duterte eh. Diba? So hindi natin alam,” ani Panelo.
Ang Urban Dictionary ay isang crowdsourced online dictionary na nagbibigay kahulugan sa mga bagong salita o mga slang na ginagamit sa internet.