Manny ‘Pacman’ Pacquiao, trending sa social media matapos mapabilang sa war epic film na ‘Freedom Fighters’

139

Trending sa social media ang war epic film na “Freedom Fighters” kung saan co-producer ang Pambansa Kamao na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Ito’y matapos makabilang ni Pacquiao sa pagbida sa pelikula ng Los Angeles-based producer na si Francis Lara Ho.


Batay sa ulat, gaganap si Pacquiao bilang si Col. Macario Peralta Jr. na isang war hero at makakasama nito ang kababayang action star na si Cesar Montano na may papel naman bilang Protestant minister na si Rev. Delfin Dianala.

Nilinaw naman ng Ho na hindi biopic ni Gen. Peralta ang “Freedom Fighters,” bagkus ito ay tatalakay sa buhay ng mga Amerikano at Pinoy na naghirap sa jungle community na kung tawagin ay Hopevale (Valley of Hope).

Kabilang sa Hollywood shortlist sina Mark Wahlberg, Jim Caviezel, Gary Sinise, Naomi Scott at Gal Gadot.

Facebook Comments