Tom Rodriguez at Carla Abellana, excited na sa bago nilang primetime series sa kapuso network

247

Manila, Philippines – Excited na ang real life lovers na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa bago nilang public affairs prime time series sa Kapuso network.

Ayon sa dalawa, siguradong kaabang-abang ang mga eksena sa kanilang serye na “I Heart Davao” dahil hindi lamang ang kanilang love team ang mapapanood kungdi makikita din nila dito ang kagandahan ng nasabing lalawigan.


Makakasama nila din sa serye si Benjmain Alvez at ang comedy duo na sina Betong Sumaya at Mae Bautista.

Mapapanood naman ang nasabing series ng Tomcarl sa June 26 (Monday) na siyang papalit sa teleserye na “meant to be”.

DZXL558

Facebook Comments