Mano-manong clearing operation sa mahigit 8 ektaryang bumarang water hyacinth sa ilalim ng tulay na nag-uugnay sa Maguindanao at North Cotabato nagpapatuloy.

Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang clearing operation sa mga bumarang water hyacinth at kangkong sa ilalim ng Datu Sajid Piang Bridge sa bayan ng Datu Piang Maguindanao na umaabot na mahigit 8 ektaryang lapad.

Tulong-tulong parin ang mga LGU's ng Datu Piang at Midsayap sa North Cotabato katuwang ang DPWH District Engineering Office ll, mga sundalo mula sa 6th Infantry Division, mga kasapi ng MILF, MNLF at mga drug surrenderer mula sa nasabing bayan.

Ayon Sa ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team na sa nakalipas na 25 mga araw na mano-manong clearing operation ay umaabot na ngayon sa 310×275 meters na mga bumarang water hyacinth na may kasamang putik na tinatayang may 3 metrong kapal ang kanailang natatanggal.

Una rito at humingi ng tulong ang LGU sa mga kinauukulang ahensya mula sa ARMM na tulungan silang matanggal ang nasabing bara dahil nagdudulot na ito ng mga pagbaha sa ilang low lying brgys ng Datu Piang.

Ang nasabing tulay ang syang nagdurogtong sa mga bayan ng Datu Piang sa Maguindanao at Midsayap sa lalawigan naman ng North Cotabato na dinadaanan ng tubig mula sa Rio Grande Mindanao.

 

 

The contingent sent by the Local Government Unit's of Datu Piang in Maguindanao at Midsayap in North Cotabato, members of the Philippine Army of the 6th Infantry Division, MILF, MNLF and the drug surrenderers successfully removed about 310×275 meters of the water hyacinth and kangkong that clogged under the Datu Sajid Piang Bridge.

More than 8 hectares of water hyacinth, kangkong and mud with about 3 meters thick clogged in the said bridge that causes flooding in some low lying brgys. of Datu Piang.

According to the ARMM Emenrgency Action and Response Team that in the past 25 days of mano-mano operation using chainsaw they were successful in their operation.

Earlier, the local government unit of Datu Piang ask the help from the ARMM government for the clearing operation.

The Datu Sajid Piang bridge connects Maguindanao province to North Cotabato where waters from the Rio Grande de Mindanao flows.

Tag: Mindanao, Cotabato City, DXMY, Straight to the Point, Kasamang Erwin

Photo Courtesy of ARMM HEART


Facebook Comments