Manufacturer ng ilang basic goods, humirit ng taas-presyo             

Manila, Philippiens – Humirit ng taas-presyo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga manufacturer ng ilang pangunahing bilihin.

Nasa P1.35 hanggang P1.65 ang hirit na taas-presyo ng sardine brand na rose bowl sa kada lata ng kanilang sardinas.

Habang P1.40 hanggang P1.70 ang hirit na taas-presyo kada lata naman sa sardine brand na saba.


Hiniling naman ng Lucky Me ang P0.46 taas-presyo sa kada pakete ng kanilang instant noodles habang P0.20 kada pakete naman ang hirit ng Payless.

Naglalaro naman sa P2 hanggang P7 ang hirit ng 5 Star Candle na taas-presyo sa kada piraso ng kandila.

Ayon sa mga nasabing manufacturer, nagmahal ang raw materials sa paggawa ng kandila at instant noodles habang nagmahal rin ang kuha ng isdang tamban na ginagamit sa paggawa ng sardinas.

Facebook Comments