Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na hindi pa nakapagsusumite ng application para magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas ang manufacturer ng Russian vaccine na Sputnik V na isa sa posibleng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ay ang manufacturer na Gamaleya, na tapos na sa phase 1 at 2 ng kanilang clinical trials sa Sputnik V sa Russia.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na sila sa Gamaleya at nagpasa na ito ng initial documents para sa evaluation ng vaccine panel experts.
Sa oras na matapos na ng experts panel ang evaluation, dapat ay ma-clear ito ng ethics review at ng Food and Drug Administration (FDA) para simulan ang clinical trial.
Facebook Comments