Mapayapang Baranggay at SK Elections tiniyak ng LGU Buldon

36

Pinangunahan ni Buldon Mayor Abolais Manalao kasama sina Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan, 37th IB BatCom Lt. Florecio Pulitod Jr. Buldon COP CINS Armando Liwan, ABC President Rufo Capada , mga baranggay kapitan at ibat ibang sector ng LGU ang isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting na isinagawa sa Brgy. Hall ng Dinganen.

Kabilang sa mga pinag usapan ang pagpapatuloy na kampanya kontra lahat ng uri ng kriminalidad, terorismo at droga. Tinalakay na rin ang mga security preparation ng mga otoridad para sa nalalapit na Baranggay at Sangguniang Kabataan elections.

Tiniyak naman ni Mayor Manalao na hindi makikialam ang LGU sa election kasabay ng panawagan sa lahat ng mga kakandidato na sanay ipairal ang isang Honest, Order at Peaceful Election. Umaasa rin ito na hindi masisira ang mga nasimulang inisyatiba ng LGU na mamentina ang natatamasang matiwasay na pamumuhay sa Buldon.
Matatandaang tanging ang bayan pa lamang ng Buldon sa Maguindanao ang kauna unahang naideklarang RIDO Free at naging Pilot ng Balik Baril Program ng 6th Infatry Division.

Facebook Comments