Tuesday, April 14, 2026

Lokal na Pamahalaan ng Maynila, nagsagawa ng mga hakbang para sa kalusugan ng mga residente bunsod ng sunog sa Navotas sanitary landfill

COURTESY: Obando Mdrrmo/Facebook

Pinakilos na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga tauhan ng Manila Health Department (MHD) para magsagawa ng respiratory health program.

Ito’y dahil sa patuloy na nangyayaring sunog sa Navotas Sanitary Landfill na nagsimula pa noong Sabado.

Kaugnay nito, lahat ng mga health center partikular sa District 1 at District 2 sa lungsod ay inabisuhan na magsagawa ng naturang programa para sa kaligtasan ng mga residente.

Lalo na ang mga vulnerable sectors maging ang mga taong may asthma o respiratory problem.

Una ng pinayuhan ang mga residente na kung maaari ay magsuot ng face mask upang maiwasan na malanghap ang usok mula sa nasusunog na landfill.

Maigi rin na manatili sa loob ng tahanan kung walang importanteng gagawin, isara ang mga bintana at pinto ng bahay kung saan manatiling hydrated upang maiwasan ang magkaroon ng sakit.

Facebook Comments