Mariing ipinaalala ng Aguilar Police Station sa publiko na patuloy na ipinatutupad ang pansamantalang pagsasara ng Maples River sa Barangay Pogonsili, Aguilar, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, hindi pa rin napapawalang bisa ang kautusan na ibinaba ng lokal na pamahalaan noon pang 2024, na nagtatakda ng pansamantalang pagsasara ng naturang pasyalan sa publiko dahilan ng patuloy na pagpapatupad nito hanggang sa kasalukuyan.
Iginiit ang kaukulang pagsunod sa kautusan upang hindi masayang ang oras at maiwasan ang paglabag sa batas.
Matatandan na unang ipinatupad ang kautusan matapos ang ilang insidente ng pagkalunod at iba pang panganib sa kaligtasan ng mga nagpupumilit dumarayo sa kabila ng abiso ng pagsasara nito sa publiko.
Kaugnay nito, patuloy ang apela ng mga awtoridad sa kooperasyon ng publiko habang umiiral pa ang pansamantalang pagsasara ng Maples River. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










