Marami pang Pinoy seafarers na naipit sa giyera ng Russia at Ukraine, dadating na rin sa bansa sa mga susunod na araw

94

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na marami pang Filipino seafarers na naipit sa sagupaan ng Russia at Ukraine ang dadating sa bansa sa mga susunod na araw.

Una nang dumating sa bansa ang isa pang batch ng Pinoy seafarers mula Bucharest, Romania na binubuo ng 29.

Sa ngayon, umaabot na sa 55 Filipino seafarers mula Ukraine ang napauwi sa bansa ng pamahalaan.


Kabilang dito ang mga crew ng MV Global Aglaia, MV Joseph Schulte at MV Star Helena, na tumawid sa Moldova mula Ukraine.

Facebook Comments