Mas malalim na imbestigasyon sa nangyaring shooting spree sa Isabela, isinasagawa ng PNP

60

Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos sa local police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa naganap na shooting spree sa Dalena, San Pablo, Isabela nitong Martes.

Ang gunman at isang barangay kagawad ang nasawi sa insidente, at pitong iba pa ang sugatan.

Kinilala ang nasawing barangay kagawad na si Gerly Telan habang inaalam pa ang identity ng suspek.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, nasa sayawan ang mga biktima nang bigla na lang pinagbabaril ang mga ito ng suspek.

Sa ngayon, hindi malinaw kung nagkaroon ng palitan ng putok, pero kasama ang suspek sa mga sugatan na isinugod sa ospital, kung saan idineklara itong dead on arrival kasama ang barangay kagawad.

Sinabi ni PNP chief na kahit namatay na ang suspek, kailangang matukoy pa rin ang motibo kung may kinalaman ito sa away politika.



Facebook Comments