Maraming Armas at Uniporme, Nasamsam mula sa mga Rebelde

Matataas na armas, mga uniporme ng pulis at combat boots ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa mga kasapi ng NPA sa Sitio Calvo, Barangay Disimungal, Nagtipunan, Quirino.

Ang mga nasamsam mula sa mga NPA ay dalawang M-14, apat na M-16, isang MG 503 baby armalite, mga bala, 15 pares ng PNP uniforms at 14 na combat boots.

Sa report ng commanding general ng 502nd Infantry Brigade BGen Vicente Bacarro, ang mga armas ay nasamsam sa lugar na pinagtaguan ng mga NPA na kasapi ng Larangang Gerilya ng Quirno – Nueva Vizcaya.


Sa magkahiwalay naman na insidente kaninang alas siyete ng umaga, Mayo 19, 2018 ay nakasagupa ng mga kasapi ng 86th IB ang ilang kasapi ng NPA sa Sitio Pulang Lupa sa naturan ding barangay ngunit umatras agad ang mga rebelde makalipas ng limang minutong labanan.

Sa pahayag ni 5ID Commanding General MGen Perfecto Rimando Jr, ang pagkadiskubre ng mga armas mula sa mga rebelde ay dahil sa pakikipagtulungan ng mga sibilyan na siyang nakapag pigil sa binabalak na masama ng mga rebeldeng kumunista.

Kasama sa mga opisyal na nagpresinta sa mga nakumpiskang bagay ay si PSupt Gregory B Bogñalbal ng PNP Quirino Province.









Facebook Comments