Bangladesh – Umabot na sa 86 ang napatay habang nasa 7000 ang naaresto simula nang maglunsad ng crackdown ang Bangladesh laban sa drug trafficking.
Nabatid na ngayon buwan lang inilunsad ang crackdown sa Bangladesh pero madali na ang napapatay batay sa human rights groups.
Una nang inaprubahan ni Bangladesh Prime Minister Sheikh Hasina ang anti-narcotics campaign para solusyunan ang paglaganap ng ilegal na droga sa kanilang bansa.
Galing umano sa Myanmar ang ilegal na droga at ipinapasok sa Bangladesh.
Facebook Comments