Maraming OFWs na umuwi ng Pilipinas mula Hong Kong, hindi pa rin makabalik sa kanilang mga trabaho sa abroad

Naka-abang pa rin ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na umuwi ng Pilipinas mula Hong Kong ,na makabalik sila sa kanilang trabaho sa abroad.

Sa ngayon kasi, marami pang Pinoy workers ang hindi pa makabalik sa trabaho sa Hong Kong dahil sa travel ban doon.

Samantala, patuloy naman na nag-a-assist ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) officers sa mga Pilipinong sumasailalim sa swab test sa Hong Kong.


Mandatory kasi sa Hong Kong ang pagsasailalim sa COVID test kada-dalawang lingo.

Ang mga hindi naman nakaka-comply sa nasabing panuntunan ay pinagmumulta ng 5,000 Hong Kong dollars o mahigit 30,000 piso.

Pero kapag ang isang indibidwal naman ay nakakumpleto na ng first at second doses ng COVID vaccine, sila ay exempted na sa mandatory swab testing na dalawang beses kada-buwan.

Facebook Comments