3, sugatan matapos magbanggaan ang isang taxi at motorsiklo sa Intramuros, Manila

Manila, Philippines – Sugatan ang tatlo katao kabilang ang dalawang pasahero sa nangyaring banggaan ng taxi at motorsiklo sa kahabaan ng Bonifacio Drive, Intramuros Maynila pasado alas dos ng madaling araw kanina.

Sa inisyal na imbestigasyon ng MMDA, sabay na binabagtas ng taxi at motorsiklo ang Bonifacio Drive patungong malabon nang biglang mabulaga ang driver ng taxi na may plate number na UVC-601.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang taxi hanggang sumampa sa center island lulan ang limang pasahero.


Hindi na pinangalanan pa ang taxi driver na posibleng masampahan ng patung-patong na kasong.

Facebook Comments