Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Marawi Crisis Spokesperson Zia Alonto Adiong, na nagsisibalikan na rin ang mga displaced families na naapektuhan ng giyera matapos kubkubin ng teroristang grupong Maute ang Marawi, apat na taon na ang nakakaraan.
Nitong Sabado, personal na bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi bilang pagdiriwang sa ika-apat na taong paglaya ng Marawi sa kamay ng mga terorista.
Pinangunahan ng pangulo ang commemoration sa Rizal Park sa Marawi, Lanao del Sur at binisita rin nito ang newly-constructed Jameo Mindanao Al-Islamie o Grand Mosque.
Nangako rin ang pangulo na pabibilisin pa ang rehabilitasyon sa Marawi at matatapos ito bago siya bumaba sa pwesto sa susunod na taon.
Facebook Comments