MARAWI REHABILITATION | Transitional shelters, nakatakdang i-turn over sa Miyerkules

Marawi City – Nasa 500 transitional shelters o pansamantalang matutuluyan ang nakatakdang iturn over ng Task Force Bagong Marawi sa mga naapektuhang residente sa Barangay Sagonsongan, Marawi City nang nangyaring kaguluhan sa lugar na idinulot ng teroristang grupong Maute.

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turnover ceremony sa Marawi City sa Miyerkules. (December 27).

Sa kabila ng sama ng panahon na nararanasan sa bansa, patuloy ang ginagawang preperasyon ng Task Force Bangong Marawi para sa nasabing turnover.


Nasa higit 18 libong pamilya na ang nakabalik sa kanilang mga tirahan sa Marawi City, mula nang magsimula ang rehabilitasyon dito.

Facebook Comments