Inilaan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Linggo, March 29, bilang “Day of Prayer” para sa mga medical frontliners na lumalaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa inilabas na circular na CBCP President Archbishop Romulo Valles, mag-aalay sila ng dasal sa mga health workers sa huling Linggo ng Marso o ang fifth Sunday of Lent.
Isasagawa ito sa mga misa, rosary events, holy hours at maging sa personal prayers ay target isasama ang mga medical frontliners.
Bukod, aniya, sa pagdarasal sa mga health workers, hinihikayat din ng CBCP ang mga mamamayan na sumunod sa ipinapatupad na quarantine kung saan dapat ay manatili na lamang sa bahay ang mga tao para maiwasan ang mas pagkalat pa ng nakakamatay na COVID-19.
Facebook Comments