Pupursiguhin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maibaba sa sampung porsiyento ang target-listed drug personalities sa bansa sa pagtatapos ng termino nito sa taong 2028.
Batay ito sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO) sa harap na rin ng bagong pamamaraan ng Marcos administration sa pagsugpo ng ilegal na droga ito ay ang mas tutukan ang rehabilitation, reintegration at preventive education program approach sa hanay ng mga kabataan.
Maliban sa 10% reduction sa listahan ng mga target drug personality, idinagdag ng PCO na nais din ng pangulo na maitatag ang Community-Based Drug Rehabilitation Program at Anti- Drug Abuse Council sa lahat ng mga lalawigan, siyudad, bayan hanggang sa mga barangay.
Target din ng Admnistrasyon na makamit ang 1 is to 1 ratio ng established treatment and rehabilitation facility per province pagdating ng 2028.
Iniulat naman ng Palasyo na nuong 2023 ay nasa may 10.41 billion pesos na mga iligal na droga ang nakumpiska na kung saan, nasa 56,495 na mga drug suspects ang nahuli sa may 44 na libong anti-illegal drug operations ang ikinasa.