Sa kauna-unahang pagkakataon, inihayag ni Mari Jasmine sa kanyang Instagram post noong July 4 ang kaniyang relasyon sa direktor ng Baka Bukas na si Samantha Lee.
Ikinuwento rin ni Mari kung paano siya nakahanap ng mga kaibigan na tanggap ang kaniyang tunay na pagkatao. “As a foreigner arriving in Manila over 5 years ago, I can attest to this – I’ve been accepted and treated with love and compassion from day one.”
Sinabi niya rin na marami pa ang kanilang pagdaraanan upang matanggap sila ng mga tao at pangarap din niya na malaya niyang mahawakan ang kamay ng kaniyang girlfriend nang hindi nahuhusgahan ng iba. “My dream is for the same kind of love, compassion, and understanding to be shown to the LGBTQIA+ community.”
Nakiisa rin sina Mari at Samantha sa naganap na Pride March noong June 30 sa Marikina Sports Center. Ipinakita ni Mari sa kaniyang Instagram post ang ilan sa mga kuha niyang litrato.
Binigyang inspirasyon din ni Mari ang kaniyang Instagram followers na huwag matakot ipakita ang tunay nilang pagkatao at maging bukas sa usaping ito upang ipaglaban ang kanilang karapatan. “Don’t let any person or any institution let you think otherwise. I stand by you and I will fight with you forever!”
Kilala si Mari bilang isang model-tv-host at ex ng Kapamilya actor na si Sam Milby.