Mariel Rodriguez – nagsalita na sa isyu ng pagsama ng kanyang asawa na si Robin Padilla sa Russian trip ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nilinis ni Mariel Rodriguez – Padilla ang pangalan ng kanyang asawa tungkol sa pagsama ni Robin Padilla kay Pangulong Rody Duterte sa Russia.

Pagtatanggol ni Mariel sa kanyang hubby – mismong ang mister ang sumagot ng kanyang trip sa Russia.

Sinagot din Mariel ang isang blogpost at sinabing tinanggihan nga ng kanyang mister ang posisyon sa gobyerno – ng pamasahe pa kaya sa eroplano.


Una nang kumalat sa social media ang post ng isang Bernard Cloma kung saan makikita sa larawan na kasama rin sa delegasyon ni P-Duterte sina Robin, Cesar Montano, Phillip Salvador at Sandra Cam.

Sa ngayon – burado na sa IG account ni Bernard ang nasabing post.
DZXL558

Facebook Comments