Laro sa French open – kinansela

Paris – Kinansela ang maraming laro sa French Open dahil sa naganap na malakas at walang tigil na pag-ulan sa Paris.

Ilang oras pa na naghintay ang tournament officials para tumila ang ulan subalit nagtuloy-tuloy ito kaya napagdesisyunan na nilang kanselahan ang laro ngayong araw.

Dahil sa kanselasyon ay magkakaroon ng apat na men’s quarterfinals ang laro na gaganapin bukas at ilang mga doubles , mixed doubles at junior matches ang na-postponed na rin.


Ilan sana sa inaabangan na laban ay sa pagitan nina Rafael Nadal at kapwa Spain player na si Pablo Carreno Busta.
DZXL558

Facebook Comments