*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang drug dealers umano kabilang ang isang menor de edad matapos ang inilatag na checkpoint sa Sitio Callagdao, Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga, Sabado ng umaga, Pebrero 15, 2020.
Kinilala ang suspek na si Reynante Bulayang, 25 anyos, may asawa, isnag porter at isang menor de edad na itinago sa pangalang “JUN” na kapwa residente ng Sitio Binongsay, Brgy. Malin-awa sa nasabing siyudad.
Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, nahuli ang mga suspek matapos ang inilatag na checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng Kalinga Provincial Intelligence Branch, 1st Kalinga Police Mobile Force Company makaraang makatanggap ng impormasyon na may ibibiyaheng iligal na droga lulan ng motorsiklo upang ibenta.
Sinubukan pang suhulan ng 25 anyos na lalaki ang isang pulis at isang bote ng hinihinalang iligal na droga pero agad itong hinuli ng mga operatiba.
Napag alaman pa na planong ibenta ni Bulayang ang droga sa Paracelis, Mountain Province.
Kinumpiska sa mga suspek ang 2 bote ng pinaniniwalaang marijuana oil habang nananatili ang mga ito sa Kalinga Police Provincial Office.