Marinduque Rep. Velasco, nanawagan na rin na buksan ang sesyon

Nakiisa si Marinduque Representative Lord Allan Velasco sa panawagan ng mga senador at mga kongresista na buksang muli ang sesyon ng Kamara para magawa nila ang tungkuling pagtibayin ang 2021 national budget.

Sa isang statement, sinabi ni Velasco na naalarma ang mga mambabatas, mga economic manager, maging ang business community sa biglang pagsasantabi ng House leadership sa budget process matapos aprubahan sa 2nd reading ang pambansang pondo.

Dahil dito, nanawagan si Velasco na isantabi ang pagkakaiba-iba nila sa pulitika at unahin muna ang pagpapatibay sa 2021 General Appropriations Bill.


Tinawag din niya na “great disservice” sa mga Pilipino ang pamba-blackmail sa Executive Department at pangho-hostage sa budget para lamang makuha ang personal na ambisyon.

Samantala, sa kabila naman ng mga panawagan ng mga kaalyado ni Velasco at ilang kongresista na i-resume na ang plenary session, hindi naman pabor dito si Speaker Alan Cayetano dahil naka-recess na ang Kamara.

Naniniwala rin si Cayetano na mas maayos na mabubusisi ang pambansang pondo mula sa binuong small committee para rito.

Facebook Comments