Sundalo Patay , bystander sugatan sa pamamaril sa Sultan Kudarat, Maguindanao

Patay ang 42 anyos na sundalo na nakabase sa 61st Division Reconaissance sa Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao matapos mabaril sa Crossing Simuay Sultan Kudarat Maguindanao 9:40 kaninang umaga.

Sa report mula PNP, sakay ng motorsiklo ang biktimang residente ng Brgy. Cabayuran Libungan North Cotabato . Mula ito sa kanyang kampo papauwi. Habang binabaybay ang National Highway pagsapit sa Crossing Simuay Area ay pinagbabaril ng riding in tandem criminals.

Nagtamo ng multiple gunshot wounds ang biktima mula sa bala ng caliber 45 pistol. base na rin sa narecover sa crimescene.


Patay on the spot ang Army Staff Sergeant habang tinamaan naman ang bystander na si Abohair Kusain, 38 anyos, isang mekaniko.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Sa nakalipas na mga buwan, ilang insidente na ng pamamaril ang naitatala sa Sultan Kudarat na karamihan ang mga naging target ay kung hindi sundalo , ay pulis minsan mga aplikante .

Facebook Comments