Ito ay sa ilalim pa rin ng Livelihood Seeding Program-Programa sa Pagbangon at Ginhawa (LSP-PPG) Program ng nasabing ahensya.
Masaya namang tinanggap ng mga market vendors ang ipinagkaloob na tulong pangkabuhayan sa kanila ng DTI.
Pinasalamatan naman ni Tumauini Mayor-elect Hon. Venus Bautista ang DTI sa pagbibigay ng tulong sa mga maglalako sa kanilang bayan na malaking tulong din para makasunod ang mga ito sa mga umiiral na batas at regulasyon sa kalakalan.
Samantala, isa ang bayan ng Tumauini sa Lalawigan ng Isabela na magkakaroon ng Consumer Welfare Assistance Center (CWAC) na ilulunsad sa Hulyo taong kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng CWAC, maaari nang dumirekta ang mga mamimili sa nasabing tanggapan para isumbong ang kanilang reklamo at concerns ganun din sa usaping price and trade regulations ng DTI.