Ipapatupad ng Lokal na Pamahalaan ng Binalonan ang Martes hanggang Biyernes na workweek schedule simula Marso 17, 2026.
Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng Executive Order No. 11, Series of 2026 na naglalayong mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko, makontrol ang gastusin ng pamahalaan, at mabawasan ang konsumo sa enerhiya.
Sa ilalim ng bagong iskedyul, bukas ang mga tanggapan ng LGU mula Martes hanggang Biyernes, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi, bilang bahagi ng compressed work schedule kung saan makukumpleto pa rin ng mga kawani ang kinakailangang oras ng trabaho kada linggo.
Gayunman, mananatili sa regular na iskedyul ang ilang tanggapan upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo.
Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng Binalonan na isaalang-alang ang bagong iskedyul sa pagpunta at pakikipagtransaksyon sa mga tanggapan ng munisipyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







