MARTIAL LAW EXTENSION | Petisyon, mababasura lang – Panelo

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na mayroong factual at legal basis ang isang taong extension ng martial law sa Mindanao.

Tiwala si Panelo, na ibabasura lamang ng Korte Suprema ang inihaing petisyon laban sa ekstensyon ng martial law.

Giit niya, patuloy pa ang rebelyon sa ibang bahagi ng Mindanao sa kabila ng pagkakalagsag sa pwersa sa Maute Group.


Kabilang na dito ang banta ng New People’s Army (NPA) na pinaigting umano ang pag-atake sa gobyerno at mga sibilyan.

Facebook Comments