Manila, Philippines – Tinukoy na ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang nilalaman ng position paper na isinumite nito kay Pangulong Rodrigo Duterte noong byernes kaugnay sa rekomendasyon ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Dela Rosa – una rito ang hindi pa naaarestong mga narco politicians na sumusuporta sa Maute terror group.
Pangalawa, dahil naglipana pa rin ang loose firearms sa Mindanao partikular sa Marawi City at Lanao del Sur.
Habang sandamakmak pa rin ang supply ng iligal na droga sa Mindanao.
Pero hindi naman tinukoy ni PNP Chief sa position paper kung hanggang kelan o yung time frame ng kanilang rekomendasyong extension ng martial law sa Mindanao.
Facebook Comments