Nangako ang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Jaime Bautista na babaguhin at iangat ang transportation system sa bansa para mabigyan ang mga Pilipino ng mas accessible, affordable, komportable at ligtas na transportasyon sa bansa.
Ayon kay Bautista, nais ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na baguhin ang Philippine transport industry at iangat ito sa mga pandaigdigang pamantayan
Aniya, magpo-focus sila sa mga pasahero at mga pangangailangan nito katulad ng mga kalsada, paliparan, seaports at railways.
Nangako rin si Bautista na ipagpapatuloy ang Build, Build, Build Program ng nagdaang administrasyon.
Kasabay nito, umapela naman si Bautista sa mga empleyado ng DOTr ng tulong at tiniyak na pakikinggan niya ang kanilang mga mungkahi.