Naglatag si Presidential Aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson ng mga hakbang na dapat gawin ng gobyerno at publiko sa pagsugpo sa COVID-19 sa harap ng muling paglobo ng mga kaso nito sa bansa.
Kabilang sa mga suhestyon ni Lacson ang pagpapa-igting sa mass testing, contact tracing at mass booster shots.
Iginiit din ni Lacson ang pagbabakuna sa mga menor de edad na mula 5 hanggang 11 taong gulang at paghihigpit sa mga lumalabag sa protocols.
Para kay Lacson, magandang simula ang ginawang suspensyon at pagpapatong ng multa sa isang hotel sa Makati kung saan tumakas si Gwyneth Anne Chua, gayundin ang pagsasampa ng kaso laban dito at sa iba pang sangkot sa paglabag sa quarantine rules.
Diin ni Lacson, hindi dapat tayo maging kampante hangga’t hindi nauubos ang COVID cases sa bansa.